Survivor’s guilt?

*inhale exhale* one more *inhale exhale* Ok go.

I was on facebook and saw the status of a friend that started as “In life there is LOVE” and as I kept going I started to feel cold. Started praying “please Lord please no”. Until I got to the end that confirmed that my friend’s Kuya died. I didn’t meet her kuya ever but I started tearing up. What gives?

It might be unfair but I feel guilty. How come there are people like me who are surviving but others aren’t? I know every reason why I’m still alive but you can’t take out this kind of thought from me.

And then I started crying while reading he rest of my notifications.

There’s nobody I can talk to who will understand what I’m going through.

I still can’t think straight and it hurts that other people have to die. I had cancer too. I’m still here. I don’t want to die either but I can’t help but feel guilty.

My lola died 1 week after being diagnosed. My tito died trying to find a place where he could get a surgery date the soonest. My lolo died after radiation treatment. My other tito died in surgery. My other tito died in the middle of his chemo treatments. I survived 2 major surgeries in the last 2 years. I survived 33 radiation treatments. I survived 18 rounds of chemo. Now how am I supposed to feel in situations where I know people fight so hard to be alive and yet aren’t as lucky as me? And what hurts the most is that lately, I have a couple of friends who selfishly told me that they wished that they’re dead. SELFISH FOOLS. If they only know how much I hung on to my own life. If I can only grant their wishes and give their lives to my lola or my titos or my friend’s kuya.

It hurts,

Sakit sa dibdib at ngayon ko lang na-realize napa-English ako habang umiiyak. Hindi pala nakaka-nosebleed ang Ingles, nakakaiyak. =(((

By Brenduhhh

Teka naman!

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Sa sobrang irita corrales ko biglang nag-blanko utak ko.

Oo na nagkamali ako, mali intindi ko sa sinabi mo pero rason ba yun para murahin mo ako?  Kalalaki mong tao at triple ka ng sukat ko mumurahin mo ako?!

Hindi ako masyadong bayolente pero ang sarap gamitin sayo yung mga high kick na natutunan ko. Yung tipong nakakabsag ng kinabukasan.

O baka naman grabe lang ako maka-reak? Para naman patas ang laban, ganito ang nangyari:

Say: Asaan dito yung printer?*sabay turo sa monitor ng comp.*

Ako: Doon sa corner o. *turo sa sulok kung nasaan yung printer talaga*

Say: Hindi, dito o! Anong printer name dito? The fuck?!

Puchanggalore. Nagpanting tenga ko hindi ko na sya kinausap. Ok na sana e kaso nabanggit ng kaibigan ko na nangyari din daw sa kanya yun. Sinabihan sya ng “The fuck?! Hindi ka ba nakakaintindi?” E babae din yung kaibigan ko. Kung wala lang ako sa ospital ng mga panahong yun nakoooo Shrek ka! Nakatikim ka ng matinding alog ng taba mo!

By Brenduhhh

Pwede kaya?

Gusto ko mag-vlog na lang pero dito ko rin ipopost kasi minsan nanlalabo na talga mata ko. Halos halikan ko na monitor ko. =))

Pwede kayang hindi na mag-youtube at direcho na dito iupload ang file?

Pwede kaya?

At para may sense naman ‘to, galing ako sa talk ni Spencer West kanina. Kung hindi nyo sya kilala, ako din e. Kanina ko lang nalaman. Motivational speaker siya at parte ng “me to we” campaign/organization. Wala syang mga paa,binti at mga hita. Pinutol daw nung bago sya mag-5yrs old yung mga binti nya dahil may sakit sya. Tapos nung 5 sya kinailangang putulin yung mula tuhod nya hanggang sa may groin nya. Pero nakaakyat sya sa Mt. Kilimanjaro nito lang. Sa team nila sya lang ang walang paa. 20,000 steps, kamay, wheelchair ang ginamit nya. Pinasan din sya nung sumakit na mga balikat nya at hindi na kaya ng wheelchair suungin yung snow. Hindi naman sa tingin ko accomplishment yun kasi wala syang mga paa, accomplishment yun kasi ang taas taas kaya ng bundok na yun. At aaccoplisment sya kasi yung mga doctor na nag-opera sa kanya nung bata say e sabi ni hindi na daw sya makaka-upo. At basically sinabi din na hindi sya magiging “functional member of the society”. Bagay sa kanya yung sinabi nyang tag line kanina:¬†Redefine Possible. At ang description nya sa sarili nya?¬†Shameless Idealist.

Doon ako galing sa workshop nya kanina. Doon ko din nahugot yung inspirasyon ko sa status ko sa fb.

Kasi may mga tao din nagsabing hindi ko kaya. Hindi ko magagawa. Baka pwede. Pero malamang hindi. Kaya nya kaya? Pwede kaya?

Andito ako. Kinaya ko. Kinakaya ko. Kakayanin ko. Kaya ko.

By Brenduhhh

Dito ba?

Dito ba?

Sa org meeting kanina:
Ako: Is that a barrel man?
Temi: Maybe, if that’s what it’s called.
Ako: Did you know that in the northern part of the Philippines they sell those as souvenirs? They come in diff. sizes too.
Cin: How did you know that?
Ako: What?
Cin: That it’s from the Philippines?
Temi: …Because she’s from the Philippines!
Cin: Really?! I thought you’re white!

Hindi kanina ang unang pagkakataon na napagkamalan akong ibang lahi. Nung unang lipat ko ng eskwelahan sa Pinas sabi nila Arabo daw ako (dahil sa Gitnang Silangan ako pinanganak), pagdating dito kung anu-ano na inakala ng ibang tao. Andyang naglalakad ako sa campus bigla akong kakausapin ng Intsik, nakatayo ako sa gilid ng kalsada biglang may babati ng pambati ng Thai. Andyang sunud-sunod ang hula ng roommate ko na Brazil, Indonesia, Vietnam daw ako galing, ni walang tumama! At ang pinaka-nakakaloko sa lahat, nang sabihin ko sa dati kong katrabaho na “I’m actually from the Philippines” ang sagot sa akin ay “Oh.. I thought you were Asian..?” E SAAN MO AKO GUSTONG LUMUGAR ‘TE?! =)) Gustung-gusto ko humagalpak sa tawa nung mga panahon na yun pero mas nangibabaw ang pagtataka ko sa sinabi nyang yun.

Parang nung pumunta ako sa ospital dati, naki-upo ako sa isang babae sabay tanong nya sa akin “What grade are you in?” Takang-taka ako habang sinasabi kong “I just finished my 2nd year in university” at mas nahiya pa ako na napagkamalan akong bata. Sabi nya “I thought you were in middle school. When you came in I thought ‘isn’t the children’s hospital on the other building?'” BOOM! Natawa na lang ako.

Parang noong nagsusulat ako sa government form at may tanong na “Are you a person with disability?” Tapos may category pa kung “Is your disability temporary or permanent?”

Parang yung mga taong nagtatanong kung anong medical history ko sabay magtatanong ng “Are you healthy otherwise?”.

Parang yung mga taong tinuring mong kaibigan pero nung may matindi kang karamdaman, halos ikaw pa magmakaawa sa kanila na dalawin ka, sabay sila pa may ganang magsabi at magtanong ng “Tagal kitang hindi nakita a! Anong balita?”

Parang yung mga taong mahilig sa “technically speaking”. Technically speaking na hindi ako Canadian kahit na yun ang nasa papeles ko kasi magulang ko Pilipino. Techinically speaking, hindi daw ako Pilipino kasi Arabo daw ako dahil hindi Pilipinas ang lupang sinilangan ko. Techinically speaking, hindi din naman ako Arabo kasi Pilipino nga mga magulang ko at hindi ka pwedeng maging Arabo sa bansang yun maliban na lang kung Arabo mga magulang mo. Techinically speaking, hindi na ako bata kasi hindi na ako menor de edad. Techinically speaking healthy ako pero technically speaking, permanently disabled ako. Techinically speaking hindi na kita kaibigan kasi kung techinicality ang pag-uusapan, ang pagkakaibigan nararamdaman. Alam na! Sakit noh? Buti nga sayo!

Saan mo ako gusto lumugar?

Dito ba?

By Brenduhhh

FRAGILE!

FRAGILE!

Part: Daig mo pa baby sa pagiging maselan. Kumabaga sa bagahe, FRAGILE!

Ako: Korek! This side up! :)). Bawal tumingkayad, bawal mag-overreach, bawal suminga, bawal direktang mabasa ang mukha sa shower, bawal tsokolate, bawal caffeine, dapat alalayan ang leeg kapag bumabahing, dapat 3 ang unan sa ulo, dapat hindi tatagilid sa kanina kapag natulog, dapat kapag lilingon kasabay ng leeg ang buong katawan. Bawal musukan, bawal sigarilyo, bawal bawal maalikabukan,bawal maagiwan charot, bawal masaktan..weh? =))

Madali lang naman iwasan yung mga bawal na pagkain. Hindi ako umiinom ng kape at hini din ako pala-inom ng carbonated drinks, tsaa lang yata iniinom ko na may caffeine. HIndi din ako mahilig sa tsokolate kaya keri lang. Ang mahirap e yung mga taong hindi nakakaalam ng sitwasyon ko, kapag nag-alok ng ganung pagkain o inumin at sinabi kong bawal, magtatanong pa. Ayaw ko ng mahabang usapin kaya napagdesisyunan ko na sabihin na lang na “ALLERGIC PO AKO” para wala nang mahabang pag-papaliwanagan. Para-paraan lang.

By Brenduhhh
Image

Image

Image

Marami akong tinatago pero gusto kong ipaalam sayo. Sabi nga ni Tito Boy, tara usap tayo.

By Brenduhhh